Ricci Rivero at Leren Bautista, naniniwalang age doesn’t matter

Isinagawa nila PBA player Ricci Rivero at Bb. Pilipinas Globe 2019 Leren Bautista ang kanilang kauna-unahang interview bilang magkasintahan.

Kasama si Tito Boy Abunda, ibinunyag ng dalawa na hindi nila binabase ang relasyon sa kanilang mga edad.

Saad ng beauty queen, natatawa na na lang siya kapag tinatawag siyang tita ni Ricci dahil kung titignan ang kanialng edad, papasa pa raw siyang ate nito.

Ngunit hindi nila ito iniitindi dahil sa kanilang relasyon, mas lumalabas pang mature si Ricci sa mga desisyon nila sa buhay.

Nagkakilala ang dalawa sa feeding program ni Leren sa Los Baños, Laguna na sinuportahan ni Ricci noong Hunyo 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *