Rita Daniela, emosyonal sa nakuhang nominasyon sa film festival sa New York

Emosyonal ang aktres na si Rita Daniela matapos nitong malaman na nominado siya bilang Best Actress sa 11th International Film Festival Manhattan sa New York.

Ang nasabing nominasyon ay para sa naging papel ni Rita sa pelikulang “In the Name of the Mother”.

Sinabi ng aktres na halo-halo ang nararamdaman niya ngayon matapos mapansin ng prestihiyosong award giving body ang kanyang pag-arte sa pelikula.

Ayon kay Rita, gusto niyang umiyak sa tuwa at excitement.

Nagpasalamat naman si Rita kay Joel Lamangan, na nominado para sa Best Director category, dahil sa gabay na ibinigay nito sa kanya.

Ipinunto ni Rita na ang una niyang narinig kay direk Joel noon ay ang papuri nito dahil sa kanyang mahusay na pag-arte sa pelikula, at mukhang nagkatotoo ito ngayon base sa nakuha niyang nominasyon.

Mababatid na Makasama ni Rita sa Best Actress category ang kasama nito sa nasabing pelikula na si Snooky Serna. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *