PRRD, dismayado sa mga pagpatay sa Negros Oriental

Labis na ikinadisamaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga patayan sa Negros Oriental, na kanyang binisita nitong linggo lamang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakipagkita ang Pangulo sa regional peace and order council sa Dumaguete City, Negros Oriental noong Lunes para pag-usapan ang mga nangyayaring patayan.

Sinabi ni Roque na nangako ang Pangulo na magiging neutral ito kaugnay sa mga insidente ng patayan.

Pero tiniyak anya ng Punong Ehekutibo na gagampanan ng estado ang obligasyon nito na imbestigahan, litisin, at parusahan ang mga tao na pumapatay sa Negros Oriental.

Kamakailan ay napaulat na pinagpapatay ang mga umano’y informers ng gobyerno sa loob ng mga sarili nilang bahay sa Guihulngan City, Negros Oriental noong May 14.

Noong Marso naman ay tinatayang nasa 10 rebelde ang napaslang mula sa pakikipagbarilan nito sa mga tropa ng gobyerno sa lungsod.

Samantala, inutos na ng Pangulo sa Department of Environment and Natural Resources na resolbahin na ang sigalot sa pagitan ng mga grupo na may claims sa mga lupa na walang titolo, na ayon kay Roque ay may kinalaman umano sa nagaganap na patayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *