Roque, itinangging lumabag sya sa health protocols

Itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang alegasyon ng watchdog group na Pinoy Aksyon na lumabag sya sa health protocols 

Ito ay matapos igiit ng grupong Pinoy Aksyon na lumabag si Roque sa restrictions ng magkaroon ito ng non-essential travel noong nagpunta ito sa Subic, Zambales noong July 2020, pagpunta nito sa isang event sa Bantayan Island, Cebu noong November 2020, at noong February 2021 sa Boracay kasama ang iba pang opisyal ng Palasyo.

Pero nanindigan si Roque na wala siyang nilabag na protocol o quarantine qualifications.

Hinamon rin niya ang grupo na maghain ng iba pang reklamo dahil aniya’y madidismiss rin umano ang reklamong ito ng grupo at tapos na rin ang imbestigasyon sa naganap na event sa Bantayan Island, Cebu.

Dagdag pa ng Kalihim, tatanggapin niya ang mga ganitong reklamo upang magkaroon umano ng saysay ang mga taong gustong manggulo sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *