NCR, mananatiling nakasailalim sa MECQ hanggang Sept. 15

Mananatiling nakasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) hanggang September 15, 2021 o hanggang maipatupad ang pilot general community quarantine na may alert level system.

Sa isang statement, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kinansela ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pilot implementation ng GCQ with Alert Levels System sa Metro Manila.

Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ang indoor at al-fresco dine-in services, personal care services pati na ang beauty salons, beauty parlors, at nail spas. 

Papayagan naman ang religious services sa pamamagitan ng online video recording at transmission. 

Samantala, pinapayagan ang mga pamilya na dumalo sa necrological services, lamay, at paglilibing basta’t hindi COVID-19 ang ikinasawi ng ililibing. 

Gayunman, kailangan nilang magpakita ng proof ng kanilang relasyon sa namatay at kailangang sumunod sa minimum public health standards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *