Ryan Garcia, itinangging plano niyang labanan si Manny Pacquaio

Itinanggi ni Ryan Garcia na plano niyang labanan si Manny Pacquiao.

Nauna rito, sinabi ng promoter ni Ryan na si Oscar De La Hoya sa media na ang 44-anyos na si Pacquiao ay isang “very real option” para sa summer fight ni Ryan.

Bilang reaksyon sa komento ni De La Hoya, nag-post si Ryan sa Twitter, na nagsasabing, hindi ito mangyayari.

Kabilang ngayon sa three-fighter list ni Ryan ay sina Rolando ‘Rolly’ Romero, Isaac ‘Pitbull’ Cruz at Teofimo Lopez.

Hindi naman daw masisisi si De La Hoya na gusto niya si Pacquiao para sa susunod na laban kay Ryan dahil hindi PPV o Pay-per-view fighters sina Rolly, Pitbull Cruz, at Teofimo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *