Liza Soberano, Enrique Gil magkasama sa recent photo sa gitna ng split rumors

Ilang araw matapos banggitin ni Ogie Diaz ang diumano’y breakup nina Liza Soberano at Enrique Gil, nakitang magkasama ang dalawa sa isang larawang ibinahagi ng dating road manager ng aktres.

Si Maquie Raquiza Sarmiento, na nakabase na ngayon sa United States, ay nag post ng mga larawan mula sa kanyang pagbisita sa Pilipinas kamakailan sa pamamagitan ng kanyang Instagram page noong Miyerkules, May 31.

Isa sa mga larawang naipost ay ang snap niya, sina Soberano at Gil , kung saan makikita ang magkasintahang magkatabi.

Hindi naman mabatid kung kailan eksaktong kuha ang larawan ngunit lumilitaw na bumalik sa bansa si Sarmiento nito lamang Mayo.

Nauna nang sinabi ni Diaz na kinumpirma ng kanyang mga insiders ang hiwalayan ng dalawa , na sinasabing ang aktres ang nagpasyang makipaghiwalay sa aktor upang tutukan daw ang kanyang career.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *