Same-sex relationships, kinikilala na sa Tokyo, Japan

Kikilalanin na sa Tokyo, Japan ang pagre-relasyon ng magkaparehong kasarian.

Inumpisahan na ng Tokyo government ang pagi-isyu ng ‘partnership certificates’ para itrato ang mga LGBTQ partners bilang ‘married couples’ para sa ilang mga official documents at public services.

Kasama na rito ang pagiging official couple para sa mga housing services, at iba pang welfare programs.

Bagamat hindi ito ‘sing tibay ng mismong same-sex marriage – wi-nelcome pa rin ng mga LGBTQ communities ang naturang hakbang.

Isa itong itinuturing na welcome development sa isang konserbatibong bansa na wala ring kinikilalang pagiisang-dibdib ng magkaparehong kasarian.

Nagtipun-tipon naman ang ilang mga same-sex partners sa iba’t ibang mga area sa Tokyo para gunitain ang naturang hakbang.

Sa ilang mga gusali sa Shinjuku District, pinailawan ito ng mga kulay ng bahaghari, bilang pagsuporta sa LGBTQ community rights.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *