Yulo, umabanse sa finals ng World Artistic Gymnatics Championship

Pasok na sa finals ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo para sa 51st FIG Artistic Gymnastics World  Championships sa Liverpool, England.

Umabanse ang Filipino olympan sa apat na mga events kabilang na ang floor exercise, vault, parallel bars at sa individual all-around.

Kuntento si Yulo sa resulta na kanyang ipinamalas sa qualifiers pero ipinangakong pagbubutihin niya pa sa mismong finals event.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *