Pagpatay sa estudyanteng si  Irish Payonga, case solve na-CSPPO

NAGA CITY- “Case solve na” ito ang sinabi sa mga kawani ng media ni PCol. Julius Cezar Domingo, Provincial Director ng PNP Camarines Sur matapos na mahuli ang responsable sa pagpatay sa isang estudyante.

Ayon kay PCol. Domingo, alas-5 ng Oct 28. 2022 ng hapon nang umalis sa tahanan sa Camaligan. 5:44 ng hapon sumakay ng bus.

Base sa mga nakuhang CCTV footages mula sa isang kilalang convenience store sa Pili, pasado alas-6 ng gabi na nang sumakay sa pedicab 18-anyos na Senior High School Student na si Irish Payonga papunta sa capitol compound kung saan gaganapin ang church event ng isang sekta. May kasamang isa pang pasahero pero naunang bumaba. Bago pa man makarating sa compound nangyari na ang karumaldumal na krimen at dinala sa bakanteng lote sakop ng isang pribadong subdibisyon.

Nakita sa CCTV ang pedicab na pabalik-balik alas-7:30 ng gabi.

Mababatatid na alas-3 Oktubre 31 ng hapon nang matagpuan ang bangkay na napapatungan ng sako ng buhangin at lupa, “half-naked”.

Sa masusing imbestigasyon ng PNP lumabas na dalawa ang crime scene; kung saan nakuha ang bangkay at kung saan nakuha ang ibang mga gamit.

Ang dalawang pirasong condom na nakuha ay kasama sa ibang mga basura at hindi pag-aari ng suspek na si Reymark Belleza ayon kay PCol. Domingo.

Narekober naman ng PNP ang cellphone ng biktima na ipinapa-reformat ni Belleza sa isang mobile and computer shop sa naturang bayan.

Ayon sa opisyal mayroong “extra judicial confession” sa public attorney si Belleza bandang alas-10:40 ng umaga kahapon. Nang ginagawa ang krimen tinakpan niya ang bibig at ilong ng dalaga hanggang sa mamatay, sinabi naman ng SOCO na suffocation nga ang ikinamatay. May “most recent trauma” sa pribadong parte ng dalaga ayon sa SOCO.

Walang kasamang iba ang suspek base sa pahayag nito. Lumalabas sa imbestigasyon na amoy alak ang binata nang gawin ang nais nito base sa isa pang pasahero na nagsisilbing testigo.

May mga lumalabas na impormasyon na may diperensya sa pag-iisip ang suspek pero ayon sa PNP, sa kanilang pag-iimbestiga ay wala naman. Hindi maisip ni Ronald Bien, malapit na kaibigan ni Belleza kung bakit nagawa ito ng binata, pero nakita niya ang mga galos sa katawan ng kaibigan at natutulala noong Oct. 28 noong nag re-repack sila ng bigas pang relief.

Murder, Robbery at Rape ang kahaharaping kaso ng 18-anyos na pedicab driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *