SBP inaasahan ang magandang performance ng Gilas sa FIBA ACQ

Kumpyansa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na magiging malakas ang performance ng mga mas batang manlalaro ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na magsisimula bukas sa Clark, Pampanga.

Sinabi ni SBP president Al Panlilio na ready na ang Gilas na makipagkompitensya, at ang goal nila lagi ay ang magkaroon ng oportunidad na manalo.

Inihayag ni Gregorio na nagsikap ang all-cadet crew na pinangungunahan ng naturalized player na si Ange Kouame at ang PBA draftee na si Isaac Go para paghandaan ang kanilang laro kontra South Korea at Indonesia sa torneyo na tatakbo hanggang Linggo.

Plano naman ng SBP na pangalanan ang Final 12 ngayong araw.

Mababatid na nasa 15 basketbolista, na kinabibilangan ni Kai Sotto, ang nag-check in sa FIBA Asia Cup Qualifiers bubble sa Clark noong Linggo.

Nasa ilalim ngayon ng one-day quarantine ang mga manlalaro sa Quest Hotel habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT-PCR test.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *