School heads division magsasagawa muna ng orientation bago ang face to face classes-DepEd Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Education (DEPED) Bicol na mayroong apat na paaralan sa lalawigan ng Masbate ang napili para sa Pilot Testing area ng Limited Face to Face Learning.

Ayon kay Regional Director Gilbert Sadsad ng nasabing tanggapan, ipapatawag ng mga school heads ang mga magulang para sa approval o parents consent ng mga magulang ang kanilang mga anak na magsagawa ng face to face Learning habang ang barangay at City Local Government Unit ay handa rin ba na sumuporta para sa face to face learning system.

Aniya, oras na pumayag ang magulang, barangay at LGU ay agad itong magsasagawa ng pagsasaayos ng kanilang mga paaralan kung saan maglalagay ang mga ito ng lay out at structures sa bawat silid aralan o eskwelahan.

Tatagal lamang ng dalawang buwan ang limited face to face learning at kung ito ay epektibo ay maaari umanong mag expand o extend ang face to face learning.

Dagdag pa nito ang mga napili sa pilot testing area na mga paaralan ay sila ang tanging walang kaso ng corona virus disease (covid) 19 sa kanilang lugar.

Aabot sa apat eskwelahan ang kwalipikadong na magsasagawa ng pilot testing area ay ang Milagros Masbate ang Mary Perpetua Brioso National High School at tatlo sa Masbate City ay ang Asid Elementary School, Sinalungan Elementary School, at Gutusan Elementary School.

Sinabi ng opisyal, maghihintay pa rin ang ahensya ng Guidelines mula sa Central Office upang makapagsimula na face to face learning sa buwan ng Nobyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *