Search and rescue ops sa crew ng lumubog na barge sa India, nagpapatuloy!

Tuloy ang search and rescue operation ng Indian military sa mga nawawalang crew ng dalawang barge na na-stranded at lumubog sa karagatan matapos ang cyclone na humagupit sa India.

Ayon sa report, tulong-tulong ang lahat ng branches ng military kabilang ang air force at navy sa pagsasagawa ng search and rescue.

Napag-alaman na ang isang barge ng Indian Oil and Natural Gas Corporation na mayroong 261 crew ang lumubog sa offshore oilfield dahil sa mga hampas ng alon bunga ng cyclone.

Nailigtas naman ng Navy ang 186 crew members habang patuloy na pinaghahanap ang nawawala pang 75.

Limang barko ang itinalaga sa search and rescue kung saan dalawa sa mga ito ay nagdala sa mga na-rescue habang ang tatlo ay patuloy sa paghahanap.

Samantala, nailigtas naman ang lahat ng 137 na crew ng isa pang barge na pag-aari naman ng Gal Constructor na lumubog naman sa west coast sa Mumbai .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *