Security guard na sinagasaan ng SUV, nananatili sa ICU

Nananatili sa Intensive Care Unit ng VRP Medical Center ang Security Guard na sinagasaan ng isang SUV sa Mandaluyong city.

Ito ang kinumpirma ni Mandaluyong city police Chief Col. Gauvin Mel Unos.

Kaugnay nito ay kinumpirma ni Unos na nakasuhan na ang driver ng puting sasakyan matapos itong ma-identify dahil sa plaka nito.

Ayon kay Unos, kasong reckless imprudence resulting uin physical injuries ang inisyal nilang isinampa sa hindi muna pinangalanang suspect pero base sa kanilang review sa video na lumabas sa social media, maaari pang kasuhan ng frustrated murder ang suspect dahil sa mga nakitang sirkumstansya.

Sinabi ni Unos na malinaw na ipinapakita ng mga lumabas na video ang kabuuang kuwento ng pangyayari.

Kinumpirma din ni Unos na base sa pakikipag-ugnayan nila sa pamilya ni Christian Floralde, maraming abogado ang lumapit dito upang mag-alok ng tulong legal para sa kanyang kaso.(LEO NAVARRO-MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *