Selena Gomez umaming nagsinungaling na hindi nakaapekto sa kanya ang body- shaming

Inamin ni Selena Gomez na nagsinungaling siya na hindi  naapektuhan sa mga pumupuna sa kanyang katawan.

Sinabi ni Selena na bagama’t nagkunwaring hindi siya apektado ng mga post sa social media patungkol sa kanyang timbang , umiiyak pa rin daw siya sa kanyang kwarto dahil wala namang deserve na maranasan ito.

Ang pop star ay na-diagnose noong 2014 na may lupus, na isa sa epekto ay ang   pagtaas ng kanyang timbang.

Pinaalala rin ni Selena sa kanyang mga fans na kahit nakikitang matapang siya sa social media, siya umano ay vulnerable rin at nasasaktan din ang damdamin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *