Sen. Dela Rosa handang maging security personnel ni Quiboloy

Nagpresenta si Sen. Bato dela Rosa  na maging security ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy kapag nagpasya itong humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Women.

Ito ay matapos na maglabas ng arrest order ang Senado laban sa pastor nitong Martes.

Samantala, nakahanda na ang detention room para sa umano’y Appointed son of God na si Quiboloy na ipinaaaresto na ng Senado.

Pinag-aaralan naman ng kampo ni Quiboloy na maghain ng reklamo sa Korte Suprema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *