Senado, inumpisahan na ang deliberation ng P5.268Trillion na 2023 budget

Lumarga na ang unang bahagi ng budget deliberation ng Senate Committee on Finance hinggil sa P5.268Trillion na National Budget sa susunod na taon.

Unang nagpresenta ngayong araw ang mga economic managers ng pamahalaan partikular na ang mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee o DBCC.

Isa-isang nagpresenta sina Finance Secretary Ben Diokno, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at socio-economic planning NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

Iniulat ng DBCC ang kasalukuyang estado ng ekonomiya ng bansa, pati na rin ang mga target na paglago ng GDP.

Matapos ang DBCC briefing ngayong araw, asahan na sa mga susunod na araw ang briefing naman ng iba’t ibang Kagawran ng Gobyerno.

Target itong matapos sa kalagitnaan ng Oktubre, at maisalang na sa plenary debates sa kalagitnaan ng Nobyembre.

Umaasa ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso na matatapos ang bicameral committee conference bago matapos ang taon para agad itong malagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *