Senator: Nuclear deal – dapat araling maigi

Nanindigan si Senate Minority Leader Koko Pimentel na kaialngan pa ring dumaan sa Kongreso at magkaroon ng nararapat na legislation ang pinaplanong nuclear deal ng Marcos administration.

Ito ay makaraang sabihin ni Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) Director Carlo Arcilla na posible nang maumpisahan ang negosasyon para sa deals sa nuclear energy kasama ang Pilipinas at mga bansang South Korea, China, at France.

Ayon kay Pimentel, dapat ay maisabatas na muna ang mga hakbang para masigurong ligtas ang paggamit ng nuclear resources sa bansa, pati na rin ang tamang management ng nuclear wastes.

Para naman kay Senate Enegy Committe vice chair Win Gatchalian, dapat ay maging bukas ang pamahalaan sa iba’t-ibang energy sources sa bansa.

Sinegundahan din ito ni Senador JV Ejercito at sinabing sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng enerhiya – napapanahon nang irekonsider ng gobyerno ang Nuclear Power.

Bago ito, una nang sinabi ni Senadora Risa Hontiveros na tila paurong ang pagsusulong ng nuclear energy use sa bansa dahil hindi naman ito sustainable at makapagdudulot lamang ng radioactive waste sa bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *