Sentro ng bayan ng Datu Paglas inokupa ng BIFF

Inokupa ng hindi bababa sa isang daang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang sentro ng bayan ng Datu Paglas, Maguindanao ngayong umaga.

Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na si Lieutenant Col. John Paul Baldomar.

Sinabi ni Baldomar na matapos na ukupahin ng mga terorista ang mismong palengke ng bayan ay agad na kinordon ng PNP at AFP ang lugar pero habang nagrereposition ang PNP ay pinaputukan ito ng BIFF.

Pinalikas din ang mga residente sa lugar upang makaiwas sa posibleng engkwentro na mangyayari.

Samantala sinabi naman ni Mayor Datu Abubakar Paglas na sa kontrolado pa naman ang sitwasyon at walang dapat na ipangamba ang kanilang mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *