Sinopharm recipients, pinapayagan nang makakuha ng boosters

Inihayag ng Department of Health na maari nang kumuha ng booster shots laban sa COVID-19 ang mga indibidwal na nabakunahan ng Sinopharm vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nabigyan na kasi ang Sinopharm ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration.

Kaugnay nito, ang mga bakuna na inirerekomenda para sa Sinopharm recipients ay AstraZeneca, Moderna, at Pfizer.

Samantala, ang Sputnik Light naman ay maari nang iturok bilang booster shot.

Nagbabala naman si Vergeire na ang Sinopharm at Sputnik ay hindi maaring gamitin bilang booster para sa mga buntis at lactating women, at tanging ang mga may edad na 18-taong gulang, pataas ang maaring maka-avail ng boosters shots. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *