SOCOMED nananawagan ng mga donasyon para sa mga ospital

KORONADAL CITY- NANANAWAGAN ng tulong at donasyon ang South Cotabato Medical Society (SOCOMED) sa gitna ng COVID 19 surge sa lalawigan at kakulangan ng mga supplies at iba pang pangangailangan ng mga ospital, pasyente at mga healthworkers.

Kabilang sa mga kailangan at pinapanawagan ng SOCOMED ay ang mga personal protective equipment (PPE) at N95 mask; mga gamot na Remdisivir, Tocilizumab at Dexamethasone IV; cash o cheke at iba pa tulad ng mga disinfectants, antiseptics, groceries at food items para sa mga pasyente na nasa isolation area.

Karamihan sa mga matatanggap na donasyon ay ibibigay sa Soccksargen General Hospital (SGH), Norala District Hospital at South Cotabato Provincial Hospital.

Para sa dagdag na impormasyon sa pag-dodonate, makipag-ugnayan lamang sa 09104279879 o sa email address na [email protected] at sa FB page ng South Cotabato Medical Society.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *