SoCot Prov’l Jail, hinagisan na naman ng illegal na droga?

KORONADAL CITY — INAKO ngayon ng pamunuan ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC na may kapabayaan ang ilan sa kanilang mga jail guards dahilan kung bakit nakakalusot pa rin ang mga illegal na droga sa loob ng jail sa kabila ng mga paghihigpit.

Ito ang inihayag ni OIC Jail Warden Lory Celeste sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal matapos na isang lata umano ang inihagis sa loob ng jail mula sa labas.

Agad umanong pinulot ng presong si Reggie Fernandez na nahaharap sa kasong may kinalaman sa illegal na droga ang nasabing lata ngunit hindi na ito mahanap sa ngayon.

Agad namang nagsagawa ng ocular inspection at greyhound operation ang mga jail guards sa mga selda ng mga preso upang mahanap ang pinaniniwalaang kontrabando.

Sa ngayon, hiniwalay na rin ng selda ang presong si Fernandez.

Matatandaan na ilang beses nang hinagisan ng illegal na droga ang provincial jail na nasamsam ng mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *