SOCOTECO 1, may mga hakbang na upang mapababa ang system loss

KORONADAL CITY- MAY mga hakbang at plano na ang pamunuan ng South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO 1 upang mapababa ang system loss ng kooperatiba na ikinakarga sa electric bill ng mga member -consumers.

Sa isinagawang legislative inquiry ng Sangguniang Panlalawigan kamakailan lamang, inihayag ni SOCOTECO 1 General Manager Engr. Raffee Edsel Epistola na isa sa kanilang plano upang mapababa ang technical at non-technical losses ay ang pagpapatayo ng dagdag na mga substation, at massive replacement ng mga transformers na may mataas na losses.

Magsasagawa din ang SOCOTECO 1 ng relocation ng electric meters agud upang hindi na mabigyan ng oportunidad ang mga mamamayan na makapagnakaw ng kuryente. Nagsasagawa rin ang mga ito ng Kuryente Check.

Ang cap ng System Loss ng SOCOTECO 1 ay nasa 8.25%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *