Star gazers, inaabangan na ang “super flower blood moon”

Mas malaki ng 7% kumpara sa normal at 15% na mas maliwanag ang buwan mamayang gabi.

Ito ay dahil sa magaganap na total lunar eclipse kung saan ay matatakpan ng anino ng mundo ang buwan.

Sinabi ng PAGASA na makikita mamayang 5:44 p.m., oras sa Pilipinas, ang partial eclipse, habang mamayang 7:11 hanggang 7:25 p.m. naman ang greatest clipse.

Tinawag itong “super flower blood moon” na pinagsamang ‘blood moon’ dahil sa pagiging kulay pula nito at ‘flower moon’ na tawag sa full moon na nangyayari sa Mayo.

May posibilidad naman na hindi makita ang total lunar eclipse sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa maulap at maulang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *