Stranded na dolphin sa cagayan, namatay bago pa maidala pasilidad ng BFAR

Nagawa pang mailigtas ng mga mangingisda at alagaan ang isang dolphin na stranded sa baybayin ng Barangay Nagtupacan, Pamplona, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 02, unang iniulat sa PNP- Maritime group ng tatlong mangingisda ang stranded na Pantropical Spotted Dolphin na mayroong bigat na 80 kg at habang 1.9 meters.

Agad namang inaksyunan ito ng mga miyembro ng MFARMC at rescue team ng DA-BFAR upang mabigyan ng kaukulang aksyon ang pagsagip sa dolphin.

Napag-alaman na ang naturang dolphin ay nawalan ng kakayahang lumutang dahilan upang suportahan ito ng mga rescuers sa buong madamag upang hindi ito lumubog.

Makaraan ang ilang oras namatay na ang dolphin bago pa ito mailipat sa pinakamalapit na pasilidad ng BFA upang magamot pa.

Batay sa pagsusuring isinagawa ni Dr. John Henry Centeno III at Dr. Soriano, mayroong nakitang mamalim na sugat ang dolphin matapos kagatin umano ng cookie cutter shark.

Bukod dito ay lumabas rin sa eksaminasyon na buntis ang dolphin ngunit walang nakitang pagdurugo o abnormalidad sa kaniyang major organs.

Samantala, nagsagawa naman ng karagdagang awareness campaign ang BFAR hinggil sa kahalagahan ng marine mammals at pagsasagawa ng emergency first respond sa oras na mayroong stranded na mammal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *