Suplay ng bigas sa Bicol region, sapat pa rin kahit mayroong pagbaba sa production ng palay ngayong taon – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Hindi umano apektado ang Bicol Region sa pagbaba ng produksyon ng palay ngayong taong 2022, dahil may mga pagkukuhanan naman ito ng suplay sa ibang lugar, ayon mismo sa Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol.

Ayon kay Danilo Lucena, Chief Statistical Specialist ng ahensiya, magiging sapat pa rin naman ang suplay ng bigas sa rehiyon kahit mayroon nang pagbaba sa produksiyon ng palay.

Hindi pa ito magiging problema, dahil mayroong additional palay o rice stocks na dumarating sa ibang lugar na dinadala sa rehiyon.

Dagdag pa nito, tanging ang lalawigan ng Albay, Sorsogon, Masbate, Catanduanes ang nakitaan na mayroong bahagyang pagtaas nang produksiyon ng palay.

Sinabi pa ng opisyal, kampante ang tanggapan na hindi kukulangin ang suplay ng bigas sa rehiyon kahit magtapos ang taong ito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *