Suplay ng karneng baboy sa Tampakan, nananatiling sapat!

KORONADAL CITY — SAPAT pa ang suplay ng karneng baboy sa bayan ng Tampakan, South Cotabato ngayong holiday season sa kabila ng banta ng African Swine Fever o ASF.

Ito ang inihayag ni Tampakan Mayor Leonard Escobillo sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon kay Escobillo, hindi pa nakakaranas ng kakulangan ng suplay ng karneng baboy ang bayan at nananatili pa rin itong ligtas sa ASF.

Paalala na lamang ng alkalde sa publiko na huwag tangkilikin ang mga karneng baboy mula sa ibang lugar lalo na’t walang kasiguruhan kung ligtas sa ASF ang pinag-mulan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *