Supot sa daan napagkalamang ‘white lady’

Gulat at takot umano ang naramdaman ng isa motorista matapos makasalubong ang umano’y ‘white lady’ na lumulutan sa gitna ng daan sa Puan, Davao City noong nakaraang gabi.

Ayon kay Warren Labadan pauwi na sana siya nang makasalubong ang “white lady” sa Puan Bypass Road at nang mahimasmasang napagalaman n’yang isa lang palang puting supot na isinabit sa lumaylay na kable ng kuryente.

Ganun paman napa-shout out nalang si Warren sa naglagay ng nasabing supot sa wire dahil posible umanong may masabit at madisgrasya kong hindi ito nilagyang ng supot dahil hindi mapapansin ng mga dumadaan ang wire.

Ayon ni Warren ay parang humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan noong makita ang supot na napagkalamang white lady. Max Anaten

Leave a Reply

Your email address will not be published.