Suspek sa pagpatay kay Roselle Bandojo sa Naga City, uminom ng cleaning solution sa loob ng piitan; Suspek, sinurender ng pamilya matapos makatakas

Sa Bicol Medical Center na inabutan ng pasko ang suspek sa pagpatay sa estudyanteng si Roselle Bandojo na kinilalang si Lorenzo Purisima, matapos itong uminom ng cleaning solution sa loob mismo ng Police Station 3 Custodial Facility nitong bisperas ng pasko.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, kasintahan ni Purisima ang nag-abot sa kanya ng plastic bottle laman ang nasabing likido, pagkatapos nagtungo  sa CR at saka ito ininom habang nakikipag-usap naman ang ina nito sa mga awtoridad, alas tres senquenta ng hapon nitong ika dalawampu’t apat ng Disyembre.

Agad namang naisugod sa pagamutan si Purisima para sa karampatang atensyong medikal. Bandang alas otso kagabi nang maiulat na tumakas ito sa hospital. Sinurender naman ng pamilya ang suspek sa barangay. Naarestong muli at ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

Matatandaan na Disyembre katorse nang maaresto ang dalawampu’t tatlong taong gulang na suspek sa isang buy bust operation sa Barangay Liboton Naga City, ilang araw matapos na ibasura ng pisklaya ang kasong Robbery with Homicide kaugnay ng pagkamatay ni Roselle Bandojo dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *