Tattoo artist sa Puerto Princesa, kulong dahil sa shabu

Kulungan ang bagsak ng isang drug suspect sa Puerto Princesa makaraang matiklo sa drug buy bust ng Police Station 2 nitong Linggo, March 5, 2023.

Ang suspek ay si Rodolfo Barroga Hagus allias YAN-YAN, na tinukoy ng PNP na Newly Identified pusher/SLI, 32 anyos na residente ng sitio tacduan Brgy. Inagawan sub sa lungsod.

Sa ulat ng Police Station 2, si Rodolfo ay nahuli sa Purok Palawan Cherry, Brgy. Sicsican kung saan nabili sa kanya ang isang pakete ng shabu habang nakuha rin sa kanya ang isa pang pakete ng may suspected shabu.

Samantala, nahaharap ang naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *