Tawi-Tawi, nakatuklas ng disease-resistant seaweeds

Nakatuklas ang Seaweed Research and Development Center sa Mindanao State University Tawi-Tawi College of Technology and Oceanography ng seaweeds resistant para sa mga sakit at climate change.

Ayon kay Research Director Dr. Sitti Zayda Halun, nagtatanim ng halos 50 na taon ang mga seaweed farmers sa probinsiya ng southern Philippines.

Sinasabing ang Tawi-Tawi ang top producer ng ‘raw diced seaweed’ sa Southeast Asia kung saan ginagamit ito bilang main ingredient para sa cosmetics, gamot at pagkain.

Samantala, ang naturang lugar ay may 11 island municipalities at halos lahat sa mga naninirahan doon ay pangingisda at pagtatanim ng seaweed ang hanap-buhay. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *