Teves, babalik na ng Pilipinas -Remulla

Hindi aarestuhin si suspended Cong. Arnolfo Teves, Jr. sa inaasahaang pagbabalik niya sa bansa bukas.

Ito ang nilinaw ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla,  dahil wala pa namang warrant of arrest laban kay Teves kaugnay ng isasampang kaso kabilang ang 10 counts ng murder at frustrated murder.

Kahapon ng hapon nang kumpirmahin ni Remulla ang pagbabalik sa bansa ng kongresista mula sa isang mapagkakatiwalaang source.

Hindi naman binigay kung saan at anong oras lalapag ang sasakyang eroplano ng mambabatas.

Ayon kay Remulla, posibleng galing si Teves sa Timor-Leste o sa iba pang bansa matapos ibasura ng pamahalaan ng Timor-Leste ang apela ng mambabatas para sa isang political asylum.

Posible aniyang nahirapan nang kumilos si Teves dahil sa impiormasyon na sinusulong ng gobyerno ang pagdedeklara sa kanya bilang terorista.

Tiniyak naman ng opisyal ang seguridad sa mambabatas sa pagdating sa bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *