Thai woman, na rescue ng mga pulis matapos na makulong sa banyo sa loob ng 3 araw

HALOS lantang gulay na nang matagpuan ng mga otoridad sa loob ng banyo sa kanyang tirahan sa Bangkok, Thailand ang isang ginang na nakulong ng tatlong araw matapos masira ang doon knob ng kanyang palikuran.

Batay sa ulat, ang sana’y pagligo lamang ng hindi na pinangalanang ginang ay nauwi sa tatlong araw na pagkakakulong nito sa banyo, dahil sa defective na door knob.

Mag-isa lamang sa kanyang bahay ang biktima kung kaya’t walang sumaklolo sakanya at maging ang kanyang mga kapitbahay ay hindi narinig ang kanyang paghingi ng saklolo.

Naka survive ang babae sa pamamagitan ng pag-inom lamang ng tubig mula sa gripo ng banyo.

Mabuti na lamang at napansin ng kaanak nito sa ibang lugar na ilang araw nang hindi ma contact ang biktima kung kaya’t nakisuyo ito sa Bangkok Police na puntahan ang babae sa tahanan nito.

Dahil tatlong araw na walang kain at matinong pahinga, hinang-hina ito kung kaya’t agad na isinugod sa ospital upang makarekober.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *