Tinaguriang ‘pinakamaruming tao sa mundo’ pumanaw makaraang muling maligo matapos ang 70-taon

ANG paliligo ay isa mga mahahalagang ‘hygiene’ na dapat maging bahagi ng ating pang araw-araw na buhay dahil tinutulungan tayo nitong maging malinis at makaiwas sa mga samu’t-saring sakit.

Ganunpaman sa bansang Iran, isang 94-anyos na lalaki na tinaguriang ‘dirtiest man in the world’ ang pumanaw matapos muling maligo makaraan ang 70 taon o mahigit kalahating siglo.

Nag viral sa social media ang kwento ni Amou Haji, mula sa Dejgah Fars province ng nasabing bansa dahil sa kakaibang dahilan ng kanyang pagkasawi.

Batay sa ulat, mahigit 70 taon nang hindi naliligo ang matanda at nito lamang buwan ng Oktubre ay napilit itong maligo ng kanyang mga kaibigan.

Matapos ang ilang linggo, ang malakas na pangangatawan ng matanda ay unti-unti umanong nanghina, nagkasakit hanggang sa nauwi sa kamatayan.

Dahil sa insidente, may mga dumayong doctor at espesyalista sa naturang lugar para suriin ang bangkay ng pasyente ngunit wala naman silang nakitang mali sa katawan ng matanda at katunayan umano ay malusog naman ito.

Sa kasalukuyan, nananatiling misteryo ang kinahinatnan ng matanda na kung kalian naligo at naging malinis ay saka naman namatay.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *