2 hinihinalang npa patay sa engkwentro sa Garchitorena, Camarines sur

NAGA CITY- Habang abala ang marami sa paghahanda at pag antabay sa Bagyong Paeng, mga putok ng baril ang narinig sa Sitio Bagasbas , Barangay Del Pilar Garchitorena, Camarines Sur kahapon.

Ayon sa PNP Garchitorena, nangyari ito pasado alas-11 ng umaga nitong Miyerkules Oct. 26, 2022.

Umabot sa 10 minuto ang palitan ng putok. Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay LtC. Rodito Gotladera ng 83rd Infantry Battalion ng 9th Infantry Division Philippine Army, may sumbong na may mga armadong grupo na nangingikil , may mga baril at pampasabog, pinuntahan ng mga sundalo kaya nagkaputukan. Tumakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng Barangay Salvacion at Ason.

Dalawa ang nasawi sa grupo ng umano’y mga rebelde. Narekober ng mga militar ang baril, bala at pasabog. Sa ngayon wala pang umaako sa mga bangkay.

Wala pang opisyal na pahayag ang 9th ID ukol dito. Bukas ang linya ng BNFM Naga para kabilang panig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *