Tokyo Olympic silver medalists Paalam at Petecio, mangunguna sa opening ceremony ng Batang Pinoy sa Ilocos sur

Pangungunagan nina Tokyo Olympic silver me­dalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio ang opening ceremony ng 2022 PSC-Batang Pinoy National Championships sa Quirino Stadium sa Ilocos Sur bukas.

Sinabi ni PSC chairman Noli Eala na ang Batang Pinoy ay nakapag produce na ng maraming champions sa iba’t ibang larangan ng sports na nagsimula pa noong 1999.

Dadalo rin sina Olympic judoka Kiyomi Watanabe at Southeast Asian Games gold medalists Chloe Isleta at Mary Allin Aldeguer.

Si Eala ang magbubukas sa 2022 Batang Pinoy Games kasama sina Ilocos Sur Governor Jeremias “Jerry” Singson at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.

Mayroong animnalibong mga partisipante mula sa 140 local government units sa bansa ang magtatagisan ng galing sa face-to face sports tulad ng arcjhery, atletics, badminiton, chess, cycling, table tennis, swimming, weightlifting at obstacle course racing

Samantala gagawin naman via online ang arnis, dan­cesport, judo, karate, muay, pencak silat, taekwondo at wushu na mapapanood sa PSC Facebook at YouTube platforms.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *