Transport sector dumalo sa stakeholders summit bilang bahagi ng formulation ng Local Tourism Development Plan ng bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Dumalo ang transport sector na karamihan ay miyembro ng Mercedes Tourism Boat Owners Association (MTBOA) sa ikawalang araw ng 7- day stakeholders’ summit for private stakeholders.

Bahagi ito ng formulation ng Local Tourism Development Plan ng Lokal na Pamahalang Bayan ng Mercedes para sa taong 2023 hanggang 2028.

Outdated na kasi ang kasalukuyang Local Tourism Development Plan na ang period covered ay 2017-2022.

Sumentro ang talakayan sa issues and concerns na kinakaharap ng transport sector at ang kanilang mahalagang papel sa tourism promotion.

Kahapon ang mga may ari naman ng food establishments ang dumalo sa summit.

Mababatid na isa ang Mercedes sa may maraming tourism destination na dinarayo ng mga turista lokal man o sa labas ng lalawigan.

Laging destinasyon na ng mga turista ang mga isla sa naturang bayan partikular ang Siete Pecados o seven islands na binubuo ng Apuao Grande, Quinapaguian, Malasugui, Apuao Pequeña, Canton, Caringo, at Canimog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *