Tricycle driver, patay matapos saksakin ng tatlong beses ng hindi pa nakikilalang suspek sa Lipa City, Batangas

Lipa City – Patay ang isang tricycle driver matapos itong saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Sampaguita, Lipa City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Antonio Gacusan, 53-anyos, residente ng naturang lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, habang nasa gitna ng traffic ang biktima at ang suspek sakay ng kani-kanilang tricycle nang sila’y magkainitan.

Dahil dito, nag-away ang dalawa at nagsuntukan.

Kamaya-maya pa ay naglabas na ng kutsilyo ang suspek at saka sinaksak ng tatlong beses sa tagiliran ang biktima.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na ospital ang biktima ng kanyang mga kamag-anak para sa paunang lunas sa kasamaang palad ay binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

Tumakas naman agad ang suspek papuntang Lipa City Proper sakay sa kanyang tricycle.

Sa ngayon, patuloy ang follow up operation ng awtoridad para sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa hindi nakilalang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *