Tulfo, kinuwestiyon ang poor performace ng Customs bureau sa fuel marking program

Plano ni Senator Raffy Tulfo na irekomenda ang pagtanggal sa Bureau of Customs (BOC) bilang implementer ng fuel marking program ng gobyerno.

Ito’y matapos gisahin ni Tulfo ang BOC representative sa consultative meeting ng Senate committee on energy kaugnay sa naturang programa at ang poor performance ng bureau sa paghuli sa mga oil smugglers.

Sa naturange meeting, hiningi ni Tulfo ang paliwanag ni BOC special agent II Anthony Escandor kung bakit naghain ang bureau ng kaso laban sa isa lang mula sa 7,000 violators.

Sa huli, hmingi ng paumanhin ang naturang mambabatas kay Escandor, at sinabing dapat magpadala ang BOC ng mga higher-ranking official na sasagot sa meeting.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *