TV reporter at 2 iba pa , patay sa nangyaring pamamaril sa Florida

Isang Orlando television reporter ang kabilang sa mga namatay sa isang shooting spree sa Florida.

Kinilala ang suspek na si Keith Melvin Moses, 19 anyos na agad na naaresto at kinasuhan ng murder kaugnay ng nangyaring pamamaril.

Ayon kay Orange County Sheriff John Mina, dalawa pa sa mga biktima na namatay ay isang babae na nasa 20 anyos ang edad at isang siyam na taong gulang na batang babae.

Ang suspek ay may mahabang kasaysayan ng paggawa ng krimen na kinabibilangan ng gun charges, aggravated assault, aggravated battery at assault with a deadly weapon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *