Sharon Cuneta hindi naiwasang ikumpara ang henerasyon ng mga celebs ngayon sa paggalang sa mga senior artists

Hindi naiwasang ikumpara ni Sharon Cuneta ang mga gawi ng mga sikat na artista sa henerasyong ito sa kapanahunan ng Megastar, partikular sa pagpapakita ng paggalang sa mga senior artists.

Ito ay matapos na ilan sa mga nakaharap niyang young celebrity ay dinaanan lamang aniya siya at hindi man lang siya nginingitian.

Ikinuwento ng beteranang actress-singer ang kanyang mahabang taon sa show business sa isang vlog interview kasama ang komedyante na si Ogie Diaz

Ikinalungkot ni Cuneta kung paano tila nakalimutan ng ilan sa mga batang celebrity na magpakita ng respeto sa kapwa nila artista, lalo na sa mga nauna na sa kanila sa industriya.

Noong Nobyembre noong nakaraang taon, nagpahayag si Cuneta tungkol sa pagiging “exhausted” at nagpahiwatig tungkol sa pag-iisip tungkol sa pagreretiro na sa show business. Sa kabila nito, ipinahayag pa rin niya ang kanyang hangarin na maging present sa industriya sa pamamagitan ng ilang mga palabas.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *