Umano’y lagayan system sa Del Gallego border control point upang makalusot ang mga colorum vehicle, iimbestigahan

NAGA CITY- Nakarating na sa Land Transportation Office (LTO) –Bicol ang  umano’y mayroong lagayan system sa Del Gallego Border Control Point upang makalusot ang colorum na sasakyan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay LTO Regional Director Franz Ranches, sinabi nitong sa ngayon magkakaroon na ng imbestigasyon dahil ang mga nasa border ay iba-ibang team.

Mababatid na , delikado ang colorum na sasakyan dahil hindi nila masasagot ang anumang gastusin sakaling maaksidente.

Delikado rin dahil sa banta ng COVID-19. Magsasama-sama sa close area ang mga galing sa iba-ibang lugar mula sa labas ng Bicol Region.

Ibinahagi din ng LTO Regional Director sa BNFM Naga na kung may spotter ang LTO, mayroon ding counter spotter para sa kanila na silang nagbibigay ng tip sa mga driver kung saan naka pwesto ang mga awtoridad.

Mababatid na hindi pa naibabalik ang biyahe ng bus sa rehiyon dahil mataas pa ang COVID –cases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *