Umano’y middleman ni Escoliar at mastermind sa pagpaslang kay Percy Lapid, patay na

Kinumpirma ni Justice Secretary Boying Remulla na patay na ang isa sa mga middlemen na sinasabing naging tulay ng self-confessed gunman na si Joel Escorial, at ang mastermind sa pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Remulla, kinilala ang patay na middleman na si Crisanto Palana Villamor Jr., na mas kilala bilang si ‘Idoy’.

Aniya, isinugod daw ito sa ospital noong Martes matapos mahirapang huminga at idineklara ring patay tatlong minuto ang nakalipas.

Namatay si ‘Idoy’ sa mismong araw na ipinresenta si Escorial ni Interior Secretary Benhur Abalos.

Hihintayin naman ang resulta ng autopsy report na inumpisahan na kahapon ng National Buruea of Investigation.

Si ‘Idoy’ ang ang personalidad sa loob ng Bilibid na tinukoy ni Escorial sa kanyang extrajudicial confession na umano’y nagbigay sa kanilang grupo ng P550,000 kapalit ng pamamaslang kay Lapid.

Sa hiwalay na retrato naman na inilabas ng Philippine National Police, positibong kinlala ni Escorial na si ‘Idoy’ nga ang namatay sa Bilibid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *