Umano’y paglabag ng mga SBSI sa Surigao del Norte, dapat lang umanong kwestyunin

Naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na malinaw ang naging findings nila sa isinagawang pagdinig sa Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) sa ilalim ng kamay ni Jey Rence Quilario o mas kilala sa tawag na ‘Senior Agila’.

Kaugnay nito, marapat lang umanong kwestyunin ng Senado ang mga executive agencies tungkol sa hindi pag-aksyon ng mga ito base sa mga rekomendasyon ng naging pagdinig.

Ito ay matapos ang ilang alegasyon na walang pagkilos na nakikita mula sa parte ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Maalala, una ng nagpahayag ng pagkadismaya si Senadora Cynthia Villar tungkol dito dahil sa mabagal na aksyon ng DENR na paalisin ang mga miyembro ng SBSI na naninirahan sa legislative protective areas sa Surigao del Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *