Umento sa minimum wage sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, aprubado na ng wage board

Higit sa isang buwan bago ang pagpapalit ng kasalukuyang administrasyon – inaprubahan na ng mga regional wage boards ang dagdag na sahod sa Metro Manila at iba pang mga rehyon.

Sa abiso ng Deparment of Labor and Employment, inisyu na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB – National Capital Region ang Wage Order.

Sa ilalim nito, P33 ang dagdag sa minimum wage para sa mga empleyado at mangagawang nagta-trabaho sa Metro Manila.

Samantala, inaprubahan din ng wage board ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa Western Visayas ng naglalaro sa P55 hanggang P110.

Maliban pa rito, mayroon ding umento na P500 sa sahod ng mga kasambahay sa Western Visayas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.