UNICEF nangangamba sa posibleng pag-collapse ng water system sa Lebanon

Pinangangambahang tuluyang mag-collapse ang water supply system ng Lebanon ayon sa United Nations Children Fund o UNICEF.

Ayon sa UNICEF, mahigit 71% ng populasyon ng Lebanon o nasa mahigit 4 million na tao kabilang ang isang milyong refugees ang pinangangambahang mawalan ng access sa safe water.

Base sa report, inaasahang unti-unting tumigil ang water pumping sa ilang lugar sa Lebanon sa susunod na 4 hanggang 6 na linggo dahil sa kakulangan ng pondo, fuel at iba pang supplies tulad ng chlorine at spare parts.

Dahil dito, inihayag ni UNICEF Representative to Lebanon Yukie Mokuo na mapipilitan ang mga kabahayan na magpasya hinggil sa kanilang basic water, sanitation at hygiene needs.

Matatandaan na nakakaranas ng financial at political crisis ang Lebanon kung saan tinukoy pa ito ng World Bank bilang isa sa 3-worst economic disasters mula noong mid-19th century.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *