Uniform quarantine protocols, planong ipatupad para sa mga Pinoy na binakunahan na sa PH at abroad- Galvez

Bumubuo na ang National Task Force Against COVID-19 technical working group ng standard quarantine protocols para sa mga Pilipinong nabakunahan na laban sa COVID-19 sa Pilipinas at sa abroad.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., sa oras na ma-validate na bakunado ang isang overseas Filipino worker (OFW) abroad, ipatutupad sa kaya ang parehong quarantine control sa mga binakunahan na sa bansa.

Aniya, susundin ng mga ito ang parehong quarantine procedure ng pitong araw at pinag-aaralan din ng TWG kung sasamahan ito ng COVID-19 testing.

Dagdag ni Galvez, tinatalakay pa ng NTF ang proposed guidelines at kasama ito sa mga topics na pa-uusapan kasama ang mga eksperto mula Ministry of Health ng Israel na darating sa Maynila sa susunod na linggo.

Nakikipag-coordinate na umano ang NTF sa Department of Foreign Affairs, Department of Labor and Employment, Overseas Workers Welfare Administration at manning agencies para sa validation ng vaccination ng mga OFWs sa ibang bansa.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na inirekumenda nila ang pagtanggal ng COVID-19 testing requirement sa mga inbound Filipinos na fully vaccinated na abroad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *