US naglunsad ng crackdown laban sa ‘zombie drug’

Kinumpirma ng America na inilunsad ang crackdown ang iligal na importasyon ng Xylazine na isang animal tranquilizer o mas kilalang “zombie drug” na iniuugnay sa overdose killings.

Ayon sa Food and Drug Administration, ang Xylazine o kilala sa street name na “tranq” ay nadiskubre sa mga illicitly manufactured fentanyl, heroin, cocaine at iba pang drugs na nagdulot ng public health concern.

Kaugnay nito, inihayag ng US-FDA na layon ng aksyon na mapigilan ang posibleng pagpasok ng gamot sa US market para sa illicit purposes.

Biinigyang diin ng FDA na ang nasabing gamot ay magagamit pa rin naman sa mga hayop kung saan ginagamit ito ng mga benerinaryo para ma-sedate ang mga hayop gaya ng mga kabayo at usa.

Napag-alaman na napapabagal ng Xylazine ang paghinga, blood pressure at heart rate hanggang sa critically low levels at maaaring magdulot ito ng skin ulcer at abscesses na maaaring magresulta sa amputation. (LNM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *