Vaccination rate sa mga Universities and Colleges sa Bicol mataas na; UST Legazpi nangunguna – CHED

SORSOGON CITY – Mataas na ang vaccination percentage ng mga universities and colleges sa rehiyon Bicol.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Commission on Higher Education (CHED) Bicol Focal Person for Vaccination and Face to Face Classes Program Dr. Pamela Viñas, sinabi nito na bagama’t 70% lamang umano ang kanilang target percentage ay may ilang mga paaralan na sa kolehiyo ang nasa 98% na ang vaccination rate.

Kinabibilangan anya ito ng University of Sto. Tomas Legazpi na siyang nakapagtala ng pinakamataas na vaccination rate, katunayan national awardee umano ang nasabing unibersidad dahil sa pagkakaroon ng pinakamataas na bilang ng mga fully vaccinated students, faculty and staff.

Sinusundan naman umano ito ng Divine World College of Legazpi, Ateneo de Naga University, Ligao Community College, Our Lady of Lourdes sa Daet, Camarines Norte at iba pa.

Samantala sinabi ng opisyal na sa lalawigan ng Sorsogon ang Estenias School ang may pinakamataas na vaccination rate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *