VP Robredo, ipinasa ang pagiging lider ng oposisyon kay Senator Risa Hontiveros

Matapos ang oath taking ceremony ni Senator Risa Hontiveros, ipinasa ni outgoing Vice President Leni Robredo sa kanya ang pagiging lider ng oposisyon.

Ayon kay Robredo, si Hontiveros na umano ang highest elected official sa oposisyon kung saan handa umano silang tumulong kung kinakailangan.

Aniya, kampante siya na patuloy nitong ipaglalaban ang mabuting pamamahala sa gobyerno at pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

Samantala, iginiit ng senadora na ipagpapatuloy niya ang paglaban sa fake news kung saan aminado siyang mabigat ang laban na kanyang kakaharapin ngayon.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *